Friday, January 13, 2017

Aprika

Ang Aprika (Ingles: Africa), ang pangalawang pinakamalaking kontinente sa daigdig at pangalawa sa pinakamataong populasyon pagkatapos ng Asya. May sukat na mga 30,244,050 km² (11,677,240 mi²) kasama ang mga karatig na mga pulo. Sa pangkalahatan, tinatawag na mga Aprikano (lalaki) at Aprikana (babae) ang mga naninirahan sa kontinente ng Aprika.


PANITIKAN

Nelson Mandela: Bayani ng Africa


Nelson Mandela
Ang tinutukoy na kalayaan ni Nelson Mandela sa kanyang talumpati ay ang kalayan ng kanilang bansa. Kalayaan sa pansariling pamamahala o demokrasya. Maituturing na isang malaking tagumpay para sa mga mamamayan ng isang bansa ang mapagkalooban ng kalayaang political, kalayaang pulili ng lider  kalayaang hindi matutumbasan ng kahit anong material na bagay. Bahagi rin ng kalayaang pinupunto ng kanyang talumpati ay ang pagiging malaya sa tinatawag na diskriminasyon , ibig sabihin may pantay- pantay na kalayaan ang bawat isang mamamayan ng Timog Africa, itim man o Puti ang kulay ng balat.

Ang mga mamamayan ng Timog Africa ay pinagkaitan ng pansariling kalayaan nakakulong ang mga ito sa rehas ng diskriminasyon at limitasyon. Kaya naman masasabing isang malaking tagumpay ang nakamit nila.

Walang katumbas na bagay ang maihahambing sa halaga ng kalayaang tinutukoy ni Mandela,  kaya naman masasabi natin na ito ay buong tapang at buong bangis nilang ipinaglaban. Itinuturing ni Mandela na ang pagkamit ng kalayaang ito ay ang simula ng paghilom ng mga sugat na iniwan ng masalimuot na nakaraan .

Ibig sabihin ay panahon na para ang mamamayan ng Timog Africa ay tumayo sa sarili nilang mga paa upang bumuo ng panibagong bayan na kung saan ay malaya ang lahat  sa kumpleto, makatarungan, at panghabambuhay na kapayapaan. Kapayapaan na maihahalintulad mo sa malayang paglalakd sa daan na walang takot sa bawat puso, karapatan sa pagkakaroon ng dignidad – isang bansang may kapayapaang pansarili at pambansa.

Hindi nagging madali ang tinahak na landas ng mga mamamayan ng Timog Africa upang makamit ang tinutukoy niyang kasarinlan, isang masalimuot at nakatatakot na landas ang kanilang nalagpasan upang makamit ang inaasam na kalayaan. Ang mga pangarap nilang tila walang katuparan naging makatotohanan at kanila ng nararanasan.

Bahagi rin ng talumpati, ang pangangako ni Mandela sa mga kababayan na pangalagaang mabuti ang natamasang kasarinlan. Malaking bahagi ng talumpating ito, ay ang taos pusong pasasalamat ni ni Mandela at ng buong mamamayan ng Timog Africa sa mga nagging bahagi ng kanilang pagtahak patungo sa inaasam na kalayaan.

Pinasasalamatan ang pagpunta ng bawat isa  upang angkinin, kasama ang mamamayan ng aming bansa, ang tagumpay para sa katarungan, para sa kapayapaan, at para sa dignidad. At ang pagpapakita ng pag-asa sa patuloy na suporta sakanilang laban na ipagpapatuloy ang pagharap sa mga pagsubok sa pagbuo ng kapayapaan, kaunlaran, pagkakapantay-pantay ng mga lalaki at babae, walang diskriminasyon sa lahi, at demokrasya.


Paglisan (Buod)
Things Fall Apart ni Chinua Achebe
Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera

Nagmula sa isang hindi kilala at hindi kalakihang tribo ng mga Umuofia,sa Nigeria ang isang matapang na at respetadong mandirigma na si Okonkwo.

Bata palamang ay nagpamalas na ng angking katapangan si Okonkwo,  Dahil dito, kinilala si Okonkwo sa buong Umuofia hanggang Mbaino. Dumaan pa ang mga panahon ay marami pang mga pagkakataon na ipinamalas ni Okonkwo ang kanyang katapangan upang mapagtakpan ang nilalaman ng kanyang loob para sa amang si si Unoka.

Bukod sa katamaran ng kanyang ama,ay nag-iwan pa ito ng napakaraming utang at pibabayaan sila. Pinatunayan ni Okonkwo na siya ay naiiba sa kanyang ama at upang magawa ito, pinamunuan niya ang siyam na nayon. ‘Di naglaon ay tatlo ang nagging asawa ni Okonkwo, nakapag pundar din siya ng mga ari-arian patunay lamang ng kanyang kasipagan. Dahil dito siya ang kinilalang lider ng kanilang tribo at siya ang pinili ng mga kanayon upang ipagtanggol si Ikemefuna. Ang ama ni Ikemefuna ay nakapatay ng isang babaeng Umuofian kaya is Ikemefuna bilang tanda ng  pakikipagkasundo sa kapayapaan sa pagitan ng Umuofia at isang nayon. Kinuopkop ni Okonkwo ang batang lalaki, magiliw na pinatira sa kanilang tahanan at itinuring naman siya ng bata bilang pangalawang ama.

Habang sila ay naglalakbay, biglaan sinugod ng mga kasamang lalaki si Ikemefuna upang patayin, ngunit nagawang makatakas ng kawawang bata. Humingi ng saklolo si Ikemefuna sa kay Okonkwo. Habang nasa harapan ng kanyang pinamumunuan kailangan mamili ni Okonkwo at upang ipakita ang katapangan sa harap ng mga kanayon, pinili niyang patayin ang bata sa kabila ng paghingi nito ng saklolo.

 Umuwi si Okonkwo na mag-isa. Dahil sa pagkamatay ni Ikemefuna, hindi siya makatulog, hindi rin makakain at hindi makapag-isip ng maayos  si Okonkwo dahil sa ramdam pa rin niya ang pagkakamaling kanyang ginawa. Kaya nagpasya ito na himingi ng payo sa kanyang kaibigan na si Obierika.

Lumipas ang mga panahon, nabalitaan nalamang ni Okonkwo na patay na pala si Ogbuefi Ezeudu ang matandang nagbigay sa kanyan ng babala tungkol sa pagpaslang kay Ikemefuna. sa di malamang dahilan, umalingawngaw ng  malakas na putok ng baril sa paligid habang nakaburol si Ogbuefi Ezeudu.  Tinamaan ng baril ni Okonkwo  ang labing-anim na taong gulang na anak ng yumao. Dahil dito, kailangan pagbayaran ni Okonkwo ang nagawang krimen dahil ito ay isang mortal na kasalanan sa dyosa ng lupa. Napagpasyahan na ipatapon si Okonkwo at ang kanyang pamilya  sa Mbanta. Malugod naman silang tinanggap ng mga kaanak lalo na ng kanyang tiyuhin na si Uchendu. Sinuportahan si Okonkwo na makapagpatayo ng kanilang munting pamayanan at pinahiram ng mga butil na pagsisimulan ng kanilang munting kabukiran.

Dumaan ang dalawang taon ng pagkakapatapon kina Okonkwo. Sa mga taong iyon matiyagang kinukuha at inaani ni Obierika ang mga pananim ni Okonkwo sa dating lugar. Ibinebenta niya ito at ibinibigay ang pinagbilihan kay Okonkwo. Isang masamang balita naman noon ang ipinabatid ni Obierika nang minsang nagdala siya ng pinagbilhan kay Okonkwo. Winasak daw  ng mga puti ang Abame, isa ding pamayanan ng mga Umuofia.

Isang araw may mga dumating na misyonero sa Mbanta.  Sa tulong ng isang interpreter na si G. Kiaga, kinausap ni G. Brown, lider ng mga misyonero ang mga taga-Mbanta upang ipakilala ang simbahan, ngunit ito ay hindi nagging madali. Hindi naglaon, nagkasakit si G. Brown at pinalitan ni Rev. James Smith, isang malupit at bugnuting misyonero. Habang isinasagawa ang taunang seremonya para sa pagsamba sa Bathala ng Lupa hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu ito ay katumbas ng pagkitil sa espiritu ng mga ninuno. Kinabukasan, sinunog ng Egwugwu ang tahanan ni Enoch at ang simbahang itinayo nina Rev. Smith.
 Ikinalungkot ng komisyoner ng distrito ang nangyari sa kanilang simbahan at nagpatawag ito ng isang pagpupulong kasama ang mga pinuno ng mga Umuofia. Sa pulong, ipina-aresto ang mga dumalong pinuno ng mga Umuofia at ikinulong. Hindi rin nagtagal ay pinalaya na ang mga bilango at napagkasunduang tumiwalag. Dahil sa pagaakalang nais ng mga kaangkan na maghimagsik nagawang patayin ni Okonkwo ang pinuno ng mga mensaherong lumapit sa mga kaangkan niya ngunit ang totoo ay hindi pa handa sa giyera ang mga kaangkan niya.

Dahil sa pagkakamaling ito, iimbitahan sana ng komisyoner si Okonkwo para sa isang pandinig  ngunit ng Makita nbila si Okonkwo, ito ay natagpuang nakabigti. Nagimbal ang buong nayon sa nangyari sapagkat si Okonkwo ay kilala dahil sa mga nagawa nito at sa katapangan at dahil sa pagpapatiwakal ni Okonkwo, matutulad lamang siya sa isang inilibing na aso.” Sabi ni Obierika, ang kaniyang kaibigan.



Isang Dahon sa Hangin 
ni Bernanrd B. Dadie 

Ako ang taong kakulay ng gabi

Isang dahon sa hangin, sumasama sa agos ng panaginip,

Ako ang punungkahoy na nga-uusbong kung tagsibol;
Ang hamog na humuhugong sa guwang ng baobab.
Isang dahon sa hangin, sumasama ako sa agos ng panaginip.
Ako ang taong isinusumbong nila
Pagka galit sa pormalidad.
Ako ang taong pinagtatawana nila
Pagkat galit sa balakid

Isang dahon sa hangin, sumasama ako sa agos ng panaginip.

Ako ang taong pinag-uusapan nila:
"Sino?" "Siya?"
Siyang hindi mo mahahawakan.
Simoy na dumadantay sa iyo at lumilipas.

Isang dahon sa hangin, sumasama ako sa agos ng panaginip.

Kapitan sa popa ng bapor
Hinahandog ng tingin ang mga alapaap
Upang makita ang makapangyarihang inla ng daigdig.
Bapor na walang lagya
Na naglalandas sa karagatan.

Isang dahon sa hangin, sumasama ako sa agos ng panaginip.

Ako ang taong ang mga pangarap
Ay sindami ng mga bituin
Higit na mahugong kaysa pulutong ng bubuyog
Higit na matamis kaysa ngiti ng mga bata
Higit na matagingting kaysa alingawngaw sa kagubatan.

Isang dahon sa hangin, sumasama ako sa agos ng panaginip. 



No Longer at Ease

ni Chinua Achebe
Ang Umuofia Progressive Union (U.P.U) ay binigyan si Obi ng isang scholarship sa pag-aaral ng batas sa England, isang scholarship na kailangan ni Obi upang magbayad ng utang sa kanyang pagbabalik. At kaya, siya ay umalis para sa England, pagpapahinto sa Lagos sa paraan. Habang sa England, may ilang mga bagay na mangyayari sa kanya. Una, siya ay nagbabago ang kanyang kurso ng pag-aaral sa Ingles. Pangalawa, siya ay naghahanap ng kanyang sariling nostalhik para sa mga tahanan, pagsusulat ng tula tungkol sa Nigeria. Panghuli, siya ay nakakatugon sa isang babae na may pangalang Clara sa isang sayawan sa London ngunit nabigo upang makagawa ng isang magandang alala. Gayunman, ang mga batang babae ay Nigerian din, at sa biyahe sa bangka ni Obi bumalik sa bahay, pagkatapos ng halos na apat na taon sa England, siya ay nakakatugon kay Clara sa sandaling muli. Oras na ito, sinimulan nila ang isang relasyon.

Kapag bumalik siya sa Nigeria, si Obi ay mananatiling, sa sandaling muli, sa Lagos sa kanyang mga kaibigan, Joseph, sinusubukan upang makahanap ng trabaho at isang lugar ng kanyang sarili. Binisita niya ang kanyang sariling tahanan ang Umuofia. Si Obi ay mabilis na bibigyan ng isang post sa Scholarship Board of Civil Service at ito din ay mabilis ipinakilala sa mundo ng panunuhol, na kung saan ay isang mundo siya nang buong puso na may isang malakas na idealismo sa unang. Ito ay ipinahiwatig sa maagang bahagi kapag ang isang tao ay nag-aalok. Kahit si Obi ay nagsisimula ang kanyang buhay sa Nigeria sa isang matapat na paraan, mga kaganapan ay hindi pumunta bilang siya ay bumalik. Una, si Clara ay nagsasabi sa kanya na hindi siya maaaring magpakasal sa kanya dahil siya ay isang osu, isang palaboy.

Si Obi ay nagpasiya na huwag pansinin ito at pumunta laban sa kung ano ang karamihan ng kanyang mga kababayan naniniwala na maging isang malaking pagsalangsang ng buwis, at siya ay nagpasiya na siya ay magpakasal sa kanya pa rin. Si Obi ay nakatanggap ng isang sulat mula sa kanyang ama na nagsasabi sa kanya na siya ay dapat pumunta sa bahay. Nang siya ay dumating sa bahay, nakita niya na ang kanyang ina na may sakit. At, ang kanyang mga magulang ang nagsabi sa kanya na hindi siya dapat magpakasal kay Clara dahil siya ay isang osu. Sa katunayan, nang mamatay ang ina ni Obi: siya ay nagsasabi sa kanya na kung siya ay dapat magpakasal kay Clara, siya ay dapat maghintay hanggang siya ay patay dahil kung siya ikakasal kay Clara habang siya ay buhay, ay siya ang pumatay sa kanyang sarili.
Si Obi ay nagbibigay-daan ng pagtanggap ng mga suhol upang maging habitual. Siya ay patuloy na kumuha ng bribes hanggang sa katapusan ng nobela, kapag si Obi ay nagpasiya na siya ay hindi maaaring tumayo kailanman. Siya ay magbabayad ng lahat ng kanyang mga utang at hindi na maging isang bahagi ng katiwalian. Sa panahon na ito, gayunman, kapag siya ay kinuha ng kanyang huling suhol, na siya ay nahuli, na kung saan ay nagdudulot sa aming pabalik sa simula ng nobelang.

 


A Man of the People
 ni Chinua Achebe  
Si Odili ay nakatanggap ng imbitasyon, Chief Nanga, at gumugol ng panahon kasama niya sa kabisera ng lungsod. Si Odili ay natututo ng Chief Nanga na nakatira sa luxury bilang isang resulta ng kanyang tiwaling gawain at alam na napakunti ng tungkol sa kultura, sa kabila ng kanyang posisyon. Si Odili ay nagkaroon ng isang kasintahan sa isang batang babae, Elsie, siya ay nagdudulot sa bahay ng Chief Nanga na may balak na paggastos ng gabi sa kanya. Gayunpaman, siya ay kayang tumanggap sa Chief Nanga. Ang Chief Nanga ay hindi maintindihan kung bakit ito ay nakakagawa na ikinagagalit ni Odili. Si Odili ay nagpasiya na kumuha ng paghihiganti sa Chief Nanga sa pamamagitan ng seducing Edna, ang mga batang babae ang opisyal na plano mag-asawa. Si Odili ay naging kasangkot sa isang bagong partidong pampulitika na naglalayong palitan ang kasalukuyang nakapangyayari partido. Bilang siya ay nagiging higit pa at higit pang laban sa Chief Nanga, si Odili ay nagpasiya na tumakbo para sa opisina sa isang pagtatangka na kumuha ng posisyon sa Chief Nanga. Ang mga miyembro ng bagong partido ay naniniwala na magbigay sa mas epektibo at mas matapat na pamahalaan. Gayunman, si Odili ay natututo ang mga tao ng kanyang bansa ay lubos na mapang-uyam. Inaasahan nila ang pulitiko ay magdadala sa bribes at magpapayaman. Sa katunayan, marami sa mga tao ang interesado sa pagkuha ng isang bahagi ng pera na nakalap ng corrupt na opisyal. Si Odili ay nagpapunyagi sa isang bilang ng mga moral na desisyon bilang siya sahod sa kanyang kumpanya, halimbawa sa pagkakaroon ng magpasya kung upang kumuha ng pera bilang kabayaran para ma-withdraw mula sa halalan. Siya ay sumusubok upang ipakita sa mga tao sa kasalukuyan pamahalaan ang nakahiga at pagnanakaw, ngunit walang isa tila sa pag-aalaga. Sa katunayan, si Odili ay nanganganib bilang siya ay sinusubukan upang patakbuhin ang kanyang kumpanya, at ang kanyang ama at ang kanyang nayon ay naparusahan para sa kanyang mga aksyon. Napagpasya ni Odili aang tunay na pag-ibig kay Edna, at ang kanyang pagnanais para sa kanya ay hindi na lamang isang resulta ng kanyang nais na makakuha ng paghihiganti sa Chief Nanga. Edna, gayunpaman, nararamdaman obligadong mag-asawa ang Chief dahil siya ay nagbigay sa kanya ng pamilya ng pera at ang kanyang ama ay pressuring sa kanya. Si Odili ay nagpasiya na dumalo sa mga kaganapan na naglulunsad sa kumpanya, kung saan si Odili ay kinikilala at pinalo malapit na sa kamatayan. Sa panahon ng linggo ng kanyang pagbawi sa ospital, bagay na baguhin sa personal na buhay ni Odili at para sa buong bansa. Kahit ang Chief Nanga ay partido ng mananalo sa halalan, ang aftermath ay pagkabagabag at kaguluhan, at sa huli ang militar magpapatalsik sa pamahalaan. Pagkatapos ay ang mga tao ng bansa dumating pasulong at makipag-usap tungkol sa kung paano kahila-hilakbot na ang dating pamahalaan, sa kabila ng kanilang suporta para sa parehong mga inihalal na opisyal nang sila'y nasa kapangyarihan. Si Edna ay nakatayo sa pamamagitan ni Odili sa pamamagitan ng kanyang paggaling, at sa huli ang kanyang pamilya ay gumagawa ng kaayusan para  makapag-asawa na siya. Si Odili ay malungkot upang malaman ng kamatayan ng kanyang mga kaibigan Max, na pinatay sa pamamagitan ng isang dating opisyal ng gobyerno, ngunit sumasalamin sa isang kagalang-galang na kamatayan ay tungkol sa mga pinakamahusay na isa ay hindi makaaasa sa sa gayon corrupt isang bansa.

   
Ake: The Years of Childhood


Si Wole ay nagsimula ng kanyang buhay sa isang tirahan sa Klerigo. Ang kanyang ama ay ang Headmaster ng lokal na katumbas ng isang elementary school. Ang ina ni Wole at tinatawag na Wild Kristiyano sa pamamagitan ng karamihan, ay isang mahigpit na disiplina, hindi pagtupad upang magbigay ng paghahagupit para sa nagkakasala.

 
Wole Soyinka

Si Wole ay nagtapos sa Grammar School, na kung saan ay humantong sa pamamagitan ng kanyang tiyuhin, ang mabangis at mas malaki-kaysa-buhay Daodu. Katulag ng mga Wild Christian, si Daodu nakapagturo nang may kaparusahan, kahit na siya ang namamahala sa kanyang paaralan tulad ng isang hukuman ng batas, kung saan ang katibayan ay iniharap at na saksi ay natanong para sa bawat akusado pagkakasala.



Ang ina ni Wole ay kalaunan na isang co-founds sa isang babae union, na nakatuon sa mga isyung panlipunan at sa huli, sa isang dulo sa labis na pagbubuwis. Sa isang rally, ang mga kababaihan ay hinihingi ang pagkilos ng mga lokal na gobernador, sa huli pagtatanghal ng dula ng isang umupo-in hanggang sa ang kanilang mga pangangailangan ay natutugunan. Ang libro ay nagtatapos sa protesta na humpay, at si Wole ay umalis sa pakikipanayam para sa kolehiyo.


Girls at War
ni Chinua Achebe

Ang Girls at War ay nagsimula na meron tagapagsalaysay na nagpapaliwanag na ang unang pagkakataon na Reginald Nwankwo, ang isang mataas na ranggo ng Nigerian opisyal, at Gladys, isang kaakit-akit batang babae, natutugunan. Siya ay sinusubukan upang magboluntaryo upang labanan sa digmaan at siya ay ang magtatanggi sa kanya.
 
Ang ikalawang oras ay naabot ng mga iyon kapag si Reginald ay dumadaan sa isang roadblock sa panahon ng digmaan. Karaniwan, maaari niyang ipasa sa pamamagitan ng mga hadlang na walang isyu, ngunit oras na ito ng agent, Gladys, naghahanap ng kanyang sasakyan. Siya ay nagsumita ng begrudgingly, sa huli ng makilala ang mga batang babae. Ang kanyang kasipagan at pagnanais para sa tagumpay sa digmaan.
Labing-walong buwan sa ibang pagkakataon, si Reginald ay intercepting ng ilang mga pagkain, aid at isang air strip upang maihatid sa kanyang pamilya. Siya ay nakaramdam ng masama tungkol sa pagkuha ng pagkain inilaan para sa mga refugee, ngunit ang kanyang pamilya ay dapat kumain. Bilang siya ay hinihimok ang layo mula sa strip, Reginald na abiso, Gladys ay nakatayo...

4 comments:

  1. Thank you for these informations!

    ReplyDelete
  2. Sa kabuuan ng talumpati ni G. Nelson Mandela, bigyang kahulugan ang
    tinutukoy niyang “Kalayaan”. Gaano ito kahalaga sa isang tao, sa isang lahi, at isang
    bansa.

    ReplyDelete
  3. The Best Casinos in USA - APRCasino
    It is nba๋งค๋‹ˆ์•„ one poormansguidetocasinogambling of the https://sol.edu.kg/ most well-known casino casinos, and it is owned and operated by the Rincon Band of Luiseno Indians. There ์ถœ์žฅ์•ˆ๋งˆ are over 100 aprcasino different

    ReplyDelete